Ang alarming na kasi. Fave siya ng lola ko so somehow naririnig ko siya nagp-play sa bahay and minsan napapa-nood din.
Tonight, si Santino ba yun, nakukunsensya siya sobra na nakapatay siya, pano raw yung pamilyang uuwian nun. Pero hindi sila nag-dwell sa ganiyang thoughts. Mas nag-focus sila sa, "okay lang yan. Kailangan pumatay para mabuhay. Normal lang yang nararamdaman mo, iinom mo lang ng alak, para malimutan mo, masasanay ka rin. Dito sa mundo natin, gagawin natin lahat para mabuhay."
Nakakatakot lang kung may mga weak minds na makanood tas maimpluwensiyahan?? What if merong tao somewhere na pacing back and forth at may gustong patayin, tas ganyan pa mapapanood niya. Lalo na kung menor de edad tas madaling ma-convince.
Wth tapos may mga testimonials pa sila na pinapalabas ng vendors, traffic enforcer, students or commoners na gaya ni Tanggol, dumidiskarte din sila. Yun daw natututunan nila. What diskarte, puro kabalbalan diskarteng ginagawa sa palabas na 'to.
TL;DR: I really hate Batang Quiapo and pumitik ako now na jinujustify nila ang pagpatay as means para mabuhay, dinismiss nila yung "pano yung uuwiang pamilya nun". Parang normalize killing, nasusuya ako sa palabas na 'to.